Saturday, September 28, 2013

Alaala


Tapos na ang tagbisi at tigib na tigib nanaman ng tubig ang dike malapit saatin. Naiwaglit ko na sa aking isip ang iyong pagliban ngunit biglaang naalala kita. Ano kayaang kalagayan mo ngayon? Ang tanong ko habang palakdaw-lakdaw kong pinagmamasdan ang mga larawang nakalimutan kong burahin kahapon. Pilit kong ginugunita ang pakiramdam nung kasakasama pa kita ngunit isang malaking patlang lamang ang naaalala ko. Sandaling tumigil ang pagiisip ko at nagulat nalang ako sa naganap at nagaganap. Medyo napamura ako. Ano ang nangyari? Napapikit at napabuntonghininga nalang ako. Kahit ano pa man ang nangyari mayroon tayong pinagsaluhang masasaya at malulungkot na napakaraming araw, buwan at taon kaya’t hinding hindi kita makakalimutan. Isa kang alaalang nakaukit sa aking isip. Alaala na lamang.
Para ki.

2 comments:

Love said...

si 12 years ba ito o assuming lang ako :D

Yna said...

Hehehe yeah.