Saturday, August 3, 2013

Bopis

Pangalawang beses nang nasasaktan ang aking puso ngayon taon. Durog na durog na sya na parang bopis. Mas masakit itong pangalawa kasi bukod sa may peklat ako ng kahapon, parang tinusok at nilaslas pa ang peklat na iyon dahil mas gusto ko na sana to ngunit kulang ang nakukuha kong pagmamahal at maling mali ang aming ginagawa. Nakakapagtaka lamang kasi hindi ako umiiyak. Unti unti narin siguro nagkakaroon ng kalyo ang aking pakiramdam. Unti unti nang natuturuan ng isip ko ang aking puso na maging matatag. Paulit ulit lang pala dapat na masaktan upang masanay at tuluyan nang masanay sa mundong puno ng pagsubok.

Published with Blogger-droid v2.0.10

No comments: